Etong tsapter na to tatagalugin ko, para wala sa kanilang makasunod sa daloy ng kwento.
Bago si Gary, na-meet ko muna sina DL at DC.
Si DC ang una kong chatmate. Binulaga nya ako sa yahoo msgr. matalino at magalang ang dating, madali kami nagkahulihan ng loob. Nagpalitan ng pictures...omigod! mala-Kevin Costner! Ang lalaki ng muscles na di maitago ng simpleng shirt na suot. Eh type din nya beauty ko. Di tuloy ang tsikahan. GAnun gabi-gabi, 4 hours on the average, daily. Hanggang tumatawag na sya sa kin weekly. Nagbalak pa magpadala ng pang-internet ko (na tinanggihan ko). Parang me MU kami, pero dahil hindi pa nagkikita, we did not give each other false hopes. After 4 months biglang nawala. Hintay ako nang hintay sa internet cafe, nakipag-chickahan sa isang 20sh na French-Canadian na pinagbuhusan ko ng loob (dati na syang ka-chikahan habang hinihintay ko si DC. Yun pala type akong maging gf, kaya nga daw 5am pa lang sa kanya, inaabangan na nya ako. Eh gwapong matangkad ang batang iyon, matalino pa at iskolar, taking History and Literature. Nakipag-agree ako ng mag-bf kami kuno, pero libre kamit o search for other more appropriate mates, tinaggap naman nya yung conditions ko...ano, cradle snatcher?)...
Nainip ako. Explore ng internet. Explore ng Yahoo features. Maraming nakilala, pero alang naging ganon kalakas ang dating sa akin (karamihan, bobo, or boring, o arogante)...hanggang napansin ko ang yahoo personals. Try ko nga. Malapit na ang Holy Week non. Gumawa ako ng profile, with pic. Lumipas ang Holy Week. Internet agad ako...
Holy cow! puno ang inbox ko sa yahoo personals, me 3 pa na mautak dumiretso sa email ko! Alangya...napuyat ako nung gabing yun. (I saved all the emails in a floppy disk then read them at home, where I did not have internet connection.). 1 am na ako natulog. Maaga pa nagising kasi me pasok. Excited ang Manang.
Feeling ko 27 ako (ganun din ang guess ng karamihan sa kanila) kahit 31 na ako nun. Sa daming emails, 10 ang sinagot ko, na sinabihan kong nasa Pilipinas ako, biyuda at me 2 anak. Tanong ko, willing ba sya (sila) na ipagpatuloy ang correspondence sa akin kahit ganon ang circumstances? Kung hindi, wag na magsayangan ng oras. Kung oo, magdadagdag ako ng kwento about me. Apat ang sumagot. SA apat na to, pinag-aralan ko ang daloy ng mga salita. 2 ang natira (isang Irish-Am-31 at isang Italian-American-49). Si Irish-Am, mas gwapo. Ang mali nya, maaga nya akong tinanong kung kelangan ko ba ng visa. Kung ano man ang motibo nya (inosenteng tanong ba yun at atat syang makita ako?), hindi maganda ang dating sa akin. Para bang tinatantya na kung gusto ko lang ng green card. Si It-Am naman, sya si DL. Magaling makinig. Bawat sentence ko, me katapat syang sagot. At alam nya kung ano ang gusto kong sagot.
Si DL, Director ng isang kumpanya dealing with minorities and rehab of drug abusers. Madalas tuloy ang travel. Nag-Masters sya sa Public Health kaya talagang we had something in common. Nakagaanan ko ng loob, bagamat hindi marunong mag-chat. Dinaan tuloy nya ako sa araw-araw na tawag, 30 mins-1 hr a day, kahit sa bahay o sa trabaho. Na-in love talaga ako kahit hindi sya gwapo at kahit medyo mataba. Nag-agree kami to meet in hk nung sept 2001.
Bago nangyari ang meeting na yun. Sumulpot uli sa msgr si DC (after 2 months na nawala). Binalitaan ko (in a friendly way) na nakahanap ako ng bagong bf (pang-inis lang), then he wished me luck, sabay explain kung bakit sya nawala. Naintindihan ko naman, pero sori sya, naunahan na sya ni DL.
Mas mataba pa si DL sa personal, pero mas gwapo kesa sa picture. Ang problema, naging awkward ang kilos. Suddenly parang hindi nya ako kilala. Parang nawala ang elibs nya sa sarili na na-in love nga ako. Naramdaman ko yun kahit hindi nya sinabi. Hanggang mg mga biro na sya, birong totoo, na naghahatid ng mensaheng magpapakasal ako sa kanya kahit hindi ako in-love. Nasaktan ang puso ni Manang, kaya kahit type ko sana, yung naramdaman kong hindi lubos ang tiwala nya sa akin (at sa sarili nya dahil hindi sya makapaniwalang ang Pinay madaling ma-in love sa lalaking thoughtful), nagdalawang-isip ako. Natapos ang hk, tuloy ang aming komunikasyon, hanggang tinatanong na nya kung magfa-file na ba sya ng fiancee visa. Sabi ko hindi muna, kasi hindi pa ako sigurado kung love ko sya. Medyo love ko pa rin naman, pero nag-iisip na ako para sa mga anak ko. Si DL kasi, madalas din sabihin, dahil alam nyang gusto ko close to nature, malawak ang space, me privacy, eh sya city boy, nakatira sa apt, baka raw di ko magustuhan. Minsan naman sasabihin nya, pag nagpakasal daw kami, bibili na lang kami ng bahay sa countryside. Nagiging inconsistent na ah...Binalikan ko yung mga una naming emals. Sabi nya nun, alang problema ang mga anak ko, kasi byudang me 2 anak rin ang una nyang asawa, at ang mali lang nya, masyado syang lulong sa trabaho nagpapayaman kaya nawalan ng oras sa pamilya. Babaguhin daw nya yun the 2nd time. Pero later, sa mga phone calls namin, pag naririnig nya ang sigawan ng mga anak ko (takaw-pansin pag me kausap ako sa phone eh), sabi nya di raw nya nami-miss yun. Patay na...eh baka travel companion lang ang gusto nya. Pamilya ang gusto ko, asawa ko at tatay ng mga anak ko. Nag-umpisa akong magising sa panaginip. "hindi ka in-love, tanggapin mo na. Maghanap ka na nang panibago. "
Not quite sure na gusto ko syang bitiwan, nag-agree akong makipag-meet ke DC (na nakakaalam na medyo bad trip ako sa mtg namin ni DL) nang pasikreto. Mas gwapo pa rin at mukang bata sa personal (10 yrs ang tanda sa akin). Pero dahil na rin siguro sa circumstances, naging awkward ang aming pagkikita. Para bang gusto sana namin na maging more than friendship pero hadlang ang "relasyon" ko ke DL. Siguro na rin dahil doon, me doubts sya sa akin. Feeling nya siguro naglalaro ako. Ako naman, di rin koomportable. Bukod doon, halos wala kaming mapag-usapan. Business kasi ang linya nya. Ang hilig ko sa natural science, lihis sa hilig nya. Golf pa ang fave sports nya, eh ako homebody lang. Inuntog ko rin ang sarili ko "gising! Hindi ito ang lalaking gusto mong makasama habangbuhay". Sinabi ko sa kanya mukang hindi kami ubrang maging mag-asawa. Kaya kako maghahanap ako nang panibago. By the time na sinabi ko yun sa kanya nagkakilala na kami ni Gary, na naunang nangyari bago ako nakipagbreak officially ke DL.
nagbukas ako ng acct sa datedotcom. Me isang nangibabaw, gwapo matangkad matalino me mga anak na nasa custody nya dahil lasinggera (kaya nagdiborsyo). Sarap ng chatting namin, nang mapansin ko ang nag-hi na si Gary...malamlam ang mga mata, kahit di nakatingin sa camera sa pic ng profile nya, there was something in him that got me interested. klik ko rin na interest.
Unang email...gist ng past nya.
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment